Wednesday, February 24, 2010

pag-aalala

hay naku, mukhang nakakaamoy na naman ako ng intriga dito. sa bagay, alam ko may pagkakamali din naman sya e, matagal na sya napagsabihan pero hindi pa din sa natinag. naaawa lang ako sa kanya kasi sa tingin ko, pagdating sa bagay na yon e wala man lang syang kakampi. kakampi naman nya ako e, kaya lang minsan hindi ko na din talaga maiwasang sumama ang loob sa kanya dahil parang sarili nya na nga lang ang iniisip nya. pano na kaya ang dapat kong gawin? kayo ba, kung mahal nyo ba ang isang tao, makakagawa ba kayo nga bagay na alam nyong hindi nya magugustuhan pero alam nyong makakabuti para sa kanya?? ang gulo ng isip ko ngayon pero nagawa ko pa din mag-alala dahil mahal ko sya. bahala na ngayon kung saan ako dalhin ng isipan ko...

No comments:

Post a Comment