Wednesday, February 24, 2010

panimula

bago lang ako dito, wala siguro magawa kaya naisipan ko ang gumawa nito. wala naman sigurong masama kung sasabihin natin kung ano ang nararamdaman natin sa bawat oras na dumadaan sa ating buhay. sa totoo lang, matagal ko na pinlano ang gumawa nito, pero nagdadalawang isip ako dahil siguro sa nahihiya akong sabihin ang totoong nararamdaman ko. may nakakahiya ba doon? wala naman siguro diba??.. nahihiya kasi ako malaman ng iba ang nararamdaman ko, una ayoko isipin nila na napaka babaw ko at nagdadrama ako ng ganito, pero ito talaga ang totoong ako e. minsan talaga sa buhay, dumadating tayo sa punto na nagiging seryoso tayo sa mga bagay-bagay lalo na kung tungkol ito sa buhay natin. mahirap ipaliwanag basta ang alam ko, kelangan ko ng taong makakaintindi sa akin, yung handang makinig sa akin.. wala pa ata ako nakilalang ganon. nakakalungkot ang buhay ko, pakiramdam ko walang handang makinig sa akin kaya nagdecide na din ako na gumawa ng account dito. baka sakali gumaan ang nararamdaman ko. simula pa lamang ito ng kadramahan sa buhay ko.. marami pa kayong maririnig at mababasa kung kayo ay interesado. salamat.. ^_^

No comments:

Post a Comment